Xsosyal
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Soxalistah!
 
HomePortalLatest imagesSearchRegisterLog in

Share | 
 

 BINIBINI by Angelo Medina

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
wewzkie



Posts : 1
Join date : 2010-05-27

BINIBINI by Angelo Medina Vide
PostSubject: BINIBINI by Angelo Medina   BINIBINI by Angelo Medina Icon_minitimeThu May 27, 2010 11:37 pm

-Gawad Gantimpalang Panitik Hails its Winner; Medina: BECF’s Fictionist of the Year (2010)-

BINIBINI

LITO RIVERA, 22 years old,

Papunta ako sa aking trabaho nang makita ko ang isang kaaya-ayang binibini.

Hindi ko alam kung bakit pero parang tinamaan na ako sa kanya kahit na ngayon ko palang siya nakita. Minasdan ko ang bawat kilos at galaw niya. Hindi ko pinalagpas ang isang sandaling makawala siya sa aking paningin. Pansin ko na may bitbit siyang camera at mukhang mahal na mahal niya ito. Lumipas ang mga minuto at umalis rin siya habang ako’y umaasa na hindi iyon ang huli naming pagkikita.

Pauwi na ako mula sa trabaho ng makita kong muli ang binibining aking tinutukoy. Kinunan niya ng letrato ang isang laundry shop na pagmamay-ari ng mag-asawang matatanda. Nagtaka ako kung bakit niya kinunan ng letrato ito ngunit alam ko na mabibigyang kasagutan rin ang katanungan kong ito kaya hinayaan ko na lamang at nagpatuloy na sa pag-uwi.

Kinabukasan,nakita kong muli ang binibini. Mayroon siyang sigarilyo sa bibig ngunit hindi pa ito nasisindihan. Pumasok sa aking kaisipan,”Ito na marahil ang oras na aking hinihintay”. Iniabot ko ang aking lighter, sinindihan ito sa harap ng binibini. Ngunit sumagot siya at sinabing “Salamat,kaso bawal manigarilyo sa lugar na ito”. Pinatay ko ang lighter at ibinalik ito sa aking bulsa. Umupo ako sa tabi ng binibini habang minamasdan siya habang siya naman ay malayo ang pinagmamasdan. Dumating na ang bus. Pumasok ako ngunit hindi sumunod ang binibini. Tinignan ko muli ang aking orasan. Lumabas ako at hinila ang binibini. Nagulat ang binibini sa aking kilos. Ngunit bago man siya magtanong, ako na ang nagsalita, “Ito na ang huling bus baka hindi kana maka-uwi”. At magsimula noon, nakilala ko na siya nang pakonti-konti…

Inanyayahan ko siyang mamasyal kinabukasan.

SM CLARK, PAMPANGA, isa sa mga sikat na mall at pasyalan dito sa Pampanga

doon ko naisipang pumunta kasama siya. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang gawin. Sinagot niya, “Kumain”.

Habang kami’y kumakain

una siyang nagsalita, “Ano ang pangalan mo” ; “Lito Rivera”, ang aking sagot.

“Ikaw.?” ; “Lea Santos”, ang sagot ng binibini.

“Ilang taon ka na Lito” ; “Bakit, ikaw muna?” sagot ko.

“29, ikaw”, sagot ni Lea. Nag-isip muna ako bago sumagot… “25”, sabi ko kay Lea.

“Bakit mo pala ako inanyayahan”, biglang tanong ni Lea sa akin.

“Eh kasi…”, nangangatog kong sagot ; “Huminahon ka” sabi niya sa akin.

“Ikaw, bakit ka pumayag na sumama sa akin?” tanong ko upang maiba ang usapan

“Binigay mo sa akin ang iyong ilaw”, sinagot niya sa akin.

Hindi ko maipaliwang kung gaano ako kasaya nang sabihin niya iyon. Hindi ako mapakali sa aking upuan. Ilang sandali rin kaming nagtitigan nang bigla niyang sinabi,

“Umupo ka sa tabi ko”, nagtatako ako ngunit sumunod rin sa iniutos niya.

“Ulitin mo ang bawat sinasabi ko” utos niya. “Lea, magpaalam na tayo sa bawa’t isa habang maaga pa”.

“Anong ibig sabihin no’n?” nagtatakang tanong ko sa kanya.“Basta, sabihin mo na”

“Lea, magpaalam na tayo sa bawa’t isa habang maaga pa”. sambit ko.

“Ngunit ngayon palang tayo nagkakilala”, sabi ni Lea sa akin.

Habang ako, hindi ko malaman ang aking nararamdaman sa bawa’t nangyayari nang oras na iyon. Kaming dalawa ni Lea, magkatabi, Masaya ako ngunit nagtataka at nag-aalala, ano ba ang ibig ipahiwatig nang iniutos niya sa akin. Ano? At Bakit? Mga tanong na bumabalot sa aking kaisipan.

ASTRO PARK sa Balibago, dito ko madalas nakikita ang mga kabataang naglalaro, nagtatakbuhan, at nagsisiyahan. Dito rin naming napag-usapan ni Lea na magkita.

Pumunta ako roon nang naka bisikleta. Nadatnan ko si Lea na kumukuha ng mga letrato ng mga bata na naglalaro. Ngunit kakarating ko pa lang ay parang paalis na siya.

Hinabol ko siya at sinabing, “Maghahanap ka ba ng bagong lugar?”

“Tara, sakay ka na sa akin.” Pumayag namn si Lea at nagbisikleta kami paikot sa park.

“Lagi ka na lang ganyan” sabi ni Lea

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya

“Wala” sagot niya. “Gutom na ko…”

“Okey, Libre kita ng lunch.” Sabi ko sa kanya.

ALING LUCING’S SISIG, sikat na kainan dito sa Pampanga dahil sa masarap nitong sisig. Dito ko naisipang kumain kaming dalawa ni Lea. Habang kami’y kumakain tinititigan ko siya ng malupit. “Ganyan ka bang kumain sa inyo?” ; “Bakit” tanong niya sa akin.

“Baka nagpapaganda ka lang dahil kasama mo ako” sabi ko. Huminto siya sa pagkain at kinuha ang isang tissue. “Achoooo!!!, Masaya ka na” ;

“Gusto pa rin kita”, sabi ko sa kanya “Ano bang nagustuhan mo sa akin” tanong niya.

“Maganda ka!” sabi ko sa kanya. “Saan ka pala nakatira?, Hatid kita..”

Hinatid ko si Lea pauwi sa kanyang bahay. Kinausap niya ako at sinabing;

“Wala kang pag-asa sa akin” sabi niya ; “Alam ko iyon” sagot ko.

“Pasensya ka na kaso hindi kita gusto” pilit niyang sinasabi, “Huwag mong lokohin ang sarili mo, huwag kang umasa, Masasaktan ka lang”

“Wala akong gagawin anuman sa iniutos mo, hindi naman ikaw ang masasaktan, ako lang” “Sige, aalis na ako” malungkot kong sinabi.

Umalis ako bitbit ang sakit at hinagpis dahil sa sinabi ni Lea ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Umaasa na mamahalin rin niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Kinabukasan, Gabi na ng makita ko si Lea sa park.

“Anong nasa isip mo?” Tanong ko sa kanya. Hindi kumikibo si Lea.

“Pakunan nga ako ng letrato?” ; “Ipinamigay ko na ang camera ko” sabi niya sa akin.

“Bakit?, paano na lahat ng mga letrato?” ;“Ipinamigay ko na rin ang mga iyon”

Umaalis si Lea, papalayo siya sa akin, mukhang malungkot siya, hinabol ko siya, umaasa na mapagaan ang damdamin niya. “May hinahanap ka ba?, baka pwede kitang matulungan?” sinabi ko sa kanya. “Talaga?” sagot ni Lea. “Hindi!” sabi ko.

“Pwede mo bang hanapin ang isang tao para sa’kin” tanong ni Lea

“Hindi, may pride akong inaalagaan” sagot ko. “Meron ba?” sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang umudyok sa akin, hindi ko rin alam ang dumaly sa aking mga ugat. Nang marinig ko ang sinambit ni Lea, binitiwan ko ang dala-dalang bisikleta at dere-deretso ako, papunta kay Lea at ninakawan ko siya ng isang halik.

Tinigilan ako ni Lea, kanyang sinabi, “Pasensya ka na, may iniisip akong ibang lalaki”

“Huwag na tayong magpakita sa bawa’t isa”

Hindi ko alam ang aking nadarama. Parang huminto ang aking oras at habang lumalakad siya palayo parang sumasakit ang pagdurugo ng aking puso. Wala akong masabi, nakatulala at malungkot akong umuwi.

Sabi nila kapag nasaktan ang puso mo ng lubusan, ang alak lang ang magpapahilom ng sugat na iniwan ng sugat na iyon. Kaya akin itong sinubukan

Sa isang tindahan, aking inimbitahan ang aking kumpare upang uminom.

“Pare, nasaktan na ba ang puso kahit minsan?” tanong ko.

“Oo naman” sabi ng aking kumpare

“Alam mo pare, ang puso ko’y kasalukuyang nagdurugo, Ang sakit.!” sabi ko.

“Mahal mo talaga si Lea no?, tanong niya.

“Si Lea ang buhay ko pare, kapag nawala siya, parang mawawala rin ako.”

Mga ilang araw rin ang lumipas, matagal ko siyang hindi nakita sa park kaya wala na akong malamang paraan para makita siya kundi…

Aking hinintay si Lea sa tapat ng kanilang bahay.

Dinaanan niya ako. Ngunit walang sinabi.

Kaya naglakas loob na akong magsalita,

“Hindi ka man lang ba magsasabi ng hi sa akin?” Dere-deretso pa rin si Lea hanggang…

“Lea!” aking sigaw “Bakit hindi ka na nagpakita sa mga nakaraang araw?”

“Marami ka sigurong libreng oras?” tanong ni Lea. “Oo naman” aking sagot.

“Pwede ka bang anyayahin lumabas bukas?” tanong ko “Hindi!” tugon niya

“Sige na, pinapangako ko ito na ang huli, kapag hindi ka pumayag papatayin ko ang sarili ko.” Sabi ko kay Lea. “Ano?” sagot niya “Sabi ko papatayin ko sarili…”

Hindi pa man matapos ang aking sasabihin ay isang sampal na ang pinakawalan ni Lea sa aking mukha. “Ang sakit naman no’n.” sambit ko. “Siguro gusto mo talaga ako”

Dahil sa aking labis na kakulita, napa-payag kong sumama sa akin si Lea.

Dumating na ang araw, inanyayahan ko siya na manuod ng sine.

Sa loob ng sinehan, abala ang lahat sa panonood ng pelikula. Maging ako at si Lea.

“Alam mo, tuwang – tuwa ako ngayong oras na ito” masayang sinabi ko kay Lea.

Ngiti lang ang tanging sagot ni Lea sa akin. Habang ako, iniisip kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon.

Madaling lumipas ang oras, natapos na ang huli naming pagsasama.

Habang kami’y naglalakad patungo sa parahan ng mga bus..

“Pwede ba tayong maglakad ng magkahawak ang kamay?” tanong ko kay Lea.

Hindi nagsasalita si Lea. “Sige na?” muli kong sinabi sa kanya.

“Labis akong nasiyahan kasama kita” sabi ni Lea sa akin. “Tara na, dumiretso na tayo”

Sa bus na sinakyan namin, magkatabi kami. Walang kumikibo, binasag ni Lea ang katahimikan namin ng binahagi niya ang kanyang kuwento.

“Joel, iyon ang pangalan niya,” “Natatandaan mo pa noong hinila mo ako papunta ng bus; Noon, napatulog ako sa kakahintay ng bus, ginising ako ni Joel at hinila rin ako papunta sa huling bus.” “Iyon ang kanyang mga unang salita sa akin” “Meron rin siyang bisikleta katulad ng sa iyo, medyo luma na at may katandaan…”

“Ayaw ko na itong marinig” putol ko sa kanyang sasabihin.

“Nagpunta rin kami sa isang park, medyo malamig noon…” sabi ni Lea.

“Nag-halikan rin ba kayo doon?, nag-kape rin ba kayong dalawa?, siya ba ang bumili nung camera na iyon?” “Magkaiba kami, hindi ako magiging siya, hindi kita iiwan”

sabi ko kay Lea. “Bakit mo pala sinsabi ito sa akin?,sa tingin mo ba wala akong pride?, nakakatuwa ba sa iyo ito? Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan?, ikaw lang ba ang nagdurugo ang puso sa kasalukuyan? Galit na galit kong sinasabi.

Hindi ako nagdalawang isip na umalis sa bus. “Lito!” sabi ni Lea habang tinitigil ako.

“Kalimutan mo na ako!!” sabi ko kay Lea.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa sandaling iyon, galit at hinagpis.

Ilang araw rin akong hindi lumalabas sa aking bahay, hindi pumapasok sa aking trabaho, at hindi nakikipag-usap iba. Nais kong mapag-isa nang panahong iyon.

Hanggang isang araw, naisipan kong pumunta sa bahay ni Lea.

Ilang oras akong naghintay sa tapat ng kanyang bahay. Ilang oras rin akong

nagmuni-muni at ilang oras rin akong naglakad-lakad, ngunit bigo akong umalis, hindi ko nakita o amsulyapan man lamang si Lea, Umalis akong dala-dala ang pait ng kabiguan at kasadlakan.

Kinabukasan, pumasok na ako sa aking trabaho. Nagkaroon kami ng usapan ng aking kumpare. “Kumusta ka na?” tanong iya sa akin. Hindi ako makasagot sapagkat hindi ko alam ang aking isasagot. Ngunit nabigla ako nang may iniabot siya sa akin.

“Ito, mga letratong kinunan ni Lea nang nasa kanya pa yung camera”

Pinagmasdan kong mabuti ang mga letrato, halos mga letrato ng mga batang naglalaro ang aking nakikita, ngunit naroon rin sa mga letratong iyon ang letrato ng matandang mag-asawa na may-ari ng laundry shop. Biglang pumasok sa akin ang sinabi ni Lea, si Joel. Marahil ito ang mga magulang ni Joel, sila nga. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang aking pagsasaliksik. Sinaliksik ko ang anumang detalye mayroon si Joel. Nabigla ako sa aking nakita, ako’y napabuntong-hininga, parang binabagabag ako ng konsensya, si Joel pala ay matagal ng patay.

Matagal rin akong nag-isip-isip tungkol sa aking mga susunod na gagawin. Parang nabigyan ako ng isang ilaw na gumagabay sa akin sa tamang landas .

Ngayon, tiwala na ako na magiging maayos na ang lahat.

Kinaumagahan,

“Pare”. Tawag sa akin. “Sumusuko ka na ba”

“Hindi!” sabi ko.“Bilisan mo umuulan”

“Sige!”..”Paalam.” sabi ko sa aking pare.

Sa parahan ng bus aking nakita si Lea. Akin muna siyang minatyag bago kausapin.

Nang sisindihin na sana niya ang kanyang sigarilyo…

“Bawal manigarilyo dito” aking sinabi sa kanya, Masaya si Lea nang makita niya ako.

Doon muna kami nagkuwentuhan, “Nagkasakit ako.” Sabi ni Lea

“Grabe ba?” pag-aalala ko ; “Hindi naman.” Sagot niya. “Ayos ka na ba?” tanong ko

“Oo naman” sagot ni Lea. Iniabot ko sa kanya ang mga letratrong ibinigay sa akin ng aking kumpare. Aking itinanong kay Lea, “ Na-mimiss mo na ba siya?, sigurado ako, ayos lang siya ngayon,” “Oo alam ko, nasa mabuti siyang kamay siguro ngayon” sabi ni Lea.

“Nagsinungaling pala ako sa iyo, tungkol sa aking edad, 22 years old ako,” sabi ko…

“Mukhang panahon ko naman upang gumanti sa lahat ng mga kabaitan na ibinigay mo sa akin, ako muna ang manlilibre ngayon at maghahatid sa iyo pauwi. Sang-ayon?”

Tanong ni Lea sa akin.. hindi naman ako nag-atubili at nag-dalawang isip na sumagot,

“Oo, siyempre”.. “haha”..

Marami akong natutunan kay Lea, natutunan kong magpahalaga sa isang tao, natutunan kong magkaroon ng limitasyon sa isang bagay, natutunan ko rin na huwag manghusga sa isang tao kung wala kang alam tungkol sa kanya, at marami pang bagay na hinding-hindi ko makakalimutan.
Back to top Go down
 

BINIBINI by Angelo Medina

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Xsosyal :: XSOXAL TAMBAYAN :: Book of Love-
Your Ad Here
Free forum | ©phpBB | Free forum support | Report an abuse | Forumotion.com